Noong unang itinuro ni Pablo ang katotohanan ng pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay isang nakamamanghang balita noong panahong iyon. Sa katunayan, ang ilang teolohiko ay sumagot, “Kung ako ay mapapatawad, kung ang Diyos ay ganap na mahabagin na mapatawad ako sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, kung ganoon ay maari pa akong magakasala pa, para malugod ang Diyos na mabigyan pa ako ng biyaya!” Hindi nauuwaan ng mga teolohiko ang mgandang balita.
Dahil sa krus, isinaalang-alang ng Diyos ang tungkol sa ating dating pagkatao na kalimutan na ito. Itinanong ni Pablo, “Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang loob ng Diyos” (Roma 6:1)? at ipinagpatuloy niya, “Siyempre hindi!” naniniwala ako na sinabi ni Pablo, “Bakit may Kristiyano, na iniligtas na mula sa tiyak na kamatayan, na bumalik at muling buhayin ang patay? Bakit kailangan pang bumalik sa buhay ng pagkakasala na kung saan ay nais ng Diyos na alisin na ang lahat ng pagkakasala at pagkondena at bigyan ka ng katiwasayan at kapayapaan? Ngayon, dahil sa krus, maari mong paglingkuran ang Panginoon nang may kagalakan at kasiyahan at sundin Siya sa isang bagong tungkulin na tinatawag na pag-ibig.”
“Kaya,” tanong mo, “payak ba nating tatanggapin sa pamamagitan ng pagiging matuwid ni Jesus?” Oo, lubus-lubusan! Iyan ang tungkol sa paglalakad ng isang Kristiyano—ang mamahinga sa pamamagitan ng pananampalataya sa kung ano ang nagawa ni Jesus.
Ang dati nating pagkatao ay patay na, at bagong tao ay si Jesus. Kapag inilagay natin ang ating pananampalataya sa Kanya, ganap na tinatanggap tayo ng Diyos. Tinatanggap niya tayo na matuwid, nakatago sa sinapupunan ng Kanyang minamahal na Anak. Kaya kapag ikaw ay nagkasala o nabigo, dagliang lumapit sa iyong Tagapagtanggol, ang iyong Tagapagsanggalang. Ikumpisal ang iyong kabiguan sa Kanya, at mamahinga sa kanyang pagiging matuwid.
Maari mong tanungin, “Mayroon bang puwang ang mabuting gawa sa doktrinang ito? Oo mayroon, ngunit sa kalagayang ito: Ang mabuting gawa ay hindi ka kayang iligtas, bigyang katuwiran o gawin kang matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Ang tanging bagay na makapagliligtas sa iyo ay ang iyong pananampalataya sa ginawa ni Jesus!
Ano ang ginawa ni Jesus? Iniligtas ka Niya, pinawalang sala at tinanggap sa pagmamahal—mga kasalanan, mga kabiguan at lahat. Nakikita ka lamang ng Diyos ngayon kay Jesu-Cristo at iyan ang dahilan kung bakit na kailangan tayong lumapit sa ating Tagapagligtas sa tuwi nang tayo ay mahuhulog. Ang dugo na nagpatawad at naglinis sa atin sa simula nang tayo ay lumapit kay Jesus ay siya ring dugo na patuloy mag-iingat sa atin hanggang sa Kanyang pagbabalik.
Kasama ng katiwasayang ito ay ang mataas na tungkulin na gawin ang lahat ng ating gawain sa pamamagitan ng Kanyang lakas at kapangyarihan sa halip na gawin natin ito ng pangsarili, “Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo” (Roma 8:13).
Nang una tayong manampalataya kay Cristo, nanalig tayo na ang ating mga kasalanan ay pinawalang sala na. Naniniwala tayo na tinanggap tayo, na maari nating ilatag na ang lahat ng pagkakasala at pangamba at sabihing, “Ako ay iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa krus.”
Pagkatapos, habang tayo ay naglalakad kasama ni Jesus, nakagawa tayo ng panibagong pagkilos ng di pagsunod. Dinurog tayo ng ating kasalanan at dagliang nawala ang ating pananaw sa krus. Sinubok nating bigyang katuwiran ang ating pagiging matuwid, para muling makuha ang pabor ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisikap, ngunit ang buhay noon ay naging parang bangungot paulit-ulit na kasalanan at pangungumpisal, muling magkakasala at muling mangungumpisal.
Minsan kumikilos tayo na kung magsusumikap ng higit pa ay makapagliligtas ito sa atin. Iniisip natin na kung babaguhin lamang natin ang ating sarili ay malulugod ang Diyos. Pagkatapos ay matiyaga nating inaayos ang luma nating pagkatao, upang mabago ito para sa isang matagumpay na paglalakad ng isang Kristiyano.
Maaring sabihin ng ilang Kristiyano, “Malaki ang halagang ibinayad ko para sa tagumpay na aking nakamit. Dumaan ako sa maraming pagdurusa at pighati. Nag-ayuno ako, nanalangin at matagumpay na naiwaksi ko ang aking pagkalulong sa pita ng laman at makasalanang pagnanasa. Ang aking bang pagsisikap na sumunod ay walang halaga sa Diyos? Isinaalang-alang ba Niya ang lahat ng aking pagiging matuwid, ang lahat ng aking pagsisikap, bilang isang maruming basahan?” oo! Ang lahat ng ito ay makalaman at wala isa man dito ay maninindigan sa harap Niya. Mayroon lamang na isang matuwid at iyan ang pagiging matuwid ni Jesu-Cristo!
“Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos” (Roma 10:3).
Ang tanging paraan lamang para makalapit sa mabuting biyaya ng Diyos ay ang pag-amin sa katotohanan: “Walang anumang mabuti sa aking laman, wala sa anumang mabuti akong nagawa para ako ay maligtas. Hindi ako magiging matuwid sa anumang magagawa ko sa aking sariling kakayanan. Ang aking pagiging matuwid ay sa pamamagitan lamang ni Cristo.” Sinabi ni Pablo ang tungkol sa handog ng pagiging matuwid: “Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay” (Roma 5:17).
Binigyan tayo ni Pablo ng listahan noong mga hindi magmamana ng kaharian ng Diyos:
“Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos” (1 Corinto 6:9-10).
Idinagdag pa ng mga apostol: “Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos” (Talata 11).
Paanong ang mga taong ito na iniligtas mula sa mga kahindik-hindik na mga kasalanan ay naging matuwid sa harapan ng Diyos? Ano ang nangyari sa kanila na sila ay hindi na makasalanan at sa halip ay tinanggap ng Diyos?
Una sa lahat, ang Diyos ay hindi nagbibigay ng galang sa tao. Hindi Siya namamangha sa mga titulo ng tao o sa mga parangal na makasanlibutan—kahit na sa isang hari, isang reyna, isang pangulo o pangunahing ministro. At pangalawa, ang Diyos ay hindi nabibighani sa anumang kabutihan na ginawa natin. Mahabang panalangin, pag-aayuno, pagbibigay ikapu, nag-aaral ng Salita, kagandahang-asal—wala isa man dito ay magagawa tayong matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Maging ang ating “mabuting” laman—mabuting asal, pananalita, isipan at gawa—ay isa lamang alingasaw sa Kanyang pang-amoy kung gagamitin na dahilan para sa sarili nating pagmamatwid,
Nang si Jesus ay umakyat sa krus, ipinako Niya ang ating “dating pagkatao” ng laman. Iisa na lamang Lalaki ang natira, nag-Iisa na siya lamang haharapin ng Diyos—at Siya ang Kanyang Anak. Nang tinapos na ni Jesus ang Kanyang gawain sa lupa at naupo sa kanang kamay ng Ama, sinabi ng Diyos, “Mula ngayon isa na lamang ang aking kinikilalang Lalaki, isa na lamang makatuwiran. Ang sino mang lalapit sa Akin ay kinakailangang dadaan muna sa pamamagitan Niya—ang Aking Anak. Ang lahat na magiging matuwid ay kailangang tanggapin ang Kanyang
pagiging matuwid at wala nang iba!”
Tinanggap tayo sa mata ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa: “Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak” (Efeso 1:6).
Nakita mo ba kung gaano kahalaga ang manahan kay Jesus, ang dagliang paglapit sa Kanya sa tuwinang tayo ay mabibigo? Kailangang matutunan ninyong lumapit saa Kanya, tumatangis, “Jesus, binigo kita! Hindi ko na kaya ito. Anuman ang gawin ko, hindi ako maaring kilalanin sa harap ng Ama, maliban sa lumapit ako sa Kanya sa pamamagitan Mo!”
“Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo” (Mateo 11:29-30).
Isa lamang ang alam kong paraan na tinutukoy ni Jesus tungkol kapahingahang ito. Kung mauunawaan at ibubukod-tangi, ang katotohanang ito ay mag-aakay sa iyo sa pinakamaluwalhating kapayapaan na maaring mayroon sa bahaging ito ng langit at tatapusin ang lahat ng damdamin ng kawalan ng tiwala.
Ang pinagmulang katotohanan na ito na kung saan ang lahat ay nagmula ay isang pamamalakad ng pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang nag-iisang doktrina na kailangan mong maunawaan kung umaasa ka na makapasok sa kapahingahan na iniaalok ni Jesus.
Maari ko lamang tukuyin ang nangingibabaw na dakilang katotohanan na maging makatuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Gayunman naniniwala ako na nais ng Diyos na lalo pang pangunahan ang Kanyang iglesya para dito sa banal na katotohanang ito—para mabigyan tayo ng pinagmulang lakas na hahawak sa atin sa mga darating na araw.
Nakakalungkot, na kapag binanggit mo ang paksa ng doktrina, maraming mga Kristiyano ay itataas ang kanilang ilong. Sasabihin nila, “Ayokong madinig ang lahat ng malalim na usaping iyan. Basta ibigay sa akin si Jesus!” Gayunman ang tunay na tinutukoy nila ay, “Ayokong disiplinahin ang sarili ko o gumugol ng panahon para alamin kung ano ang ginawa ni Jesus sa krus.”
Lubhang maraming Kristiyano ay naging emosyonal na nakabalot sa krus ngunit hindi talaga pinag-aralan ito. Nakarinig na ako mula sa maraming mangangaral na nagpahayag ng emosyonal na paghikayat tungkol kay Jesus at sa krus—tungkol sa parusang dinanas niya, ang krus na tinik sa Kanyang ulo, ang malaking pako na ibinaon sa Kanyang mga kamay. Ang pangangaral tungkol sa krus ay higit na tungkol pa doon. Ito ay tungkol sa tagumpay ng krus at kung ano ang ginawa ni Jesus para sa sanlibutan.
Para doon sa mga nagnanais na “makilala Siya,” doon sa mga nagnanais na maunawasan ang mga nakamamanghang gawain ni Jesus sa Kalbaryo, hayaan ninyong subukan kong ipaliwanag ang pakiwari ng pagmamatwid sa pamamagitan ng pananampalataya.
Dalawang bagay ang kalakip sa ating pagmamatwid sa pamamagitan ng krus ni Jesu-Cristo:
- Una, pinatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Nang si Jesus ay ipinako sa krus, ang Kanyang dugo ang nagpawalang-sala sa lahat ng ating kasalanan.
- Pangalawa, tinanggap tayo ng Diyos bilang matuwid kay Cristo, sa pamamagitan ng pananampalataya. Nangangahulugan ito na tinanggap tayo ng Diyos dahil sa sakripisyo ni Jesus sa krus at hindi dahil sa ating ginawa o anumang mabuting gawa.
“Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpawalang-sala sa kanila” (Roma 8:33).
“Ang tunay na Judio ang taong nabago sa puso’t kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang taong iyon ay pararangalan ng Diyos at hindi ng tao” (Roma 2:29).
Hindi lahat na ipinanganak na Judio ay isa nang Judio.
Hindi siya isang Judio na isa lamang Judio sa panglabas.
Hindi siya Judio na itinatanggi ang espiritu.
Ang tradisyon, ang pagtawag, nang isang Judio;
Gayunman siya ay isang Judio nagmumula sa kanyang kalooban
Sa pamamagitan ng pananampalataya ay naging isa mula sa puso.
Ito ang daan para sa lahat ng buhay.
Ang isang Kristiyano ay isa na tinanggap ang espiritu ni Cristo,
Sa pamamagitan ng pananampalataya ay naging isa mula sa puso.
Ang isang Komunista ay hindi kinakailangan na magdala ng pagkakakilanlan
Para maging isang Komunista.
Maari niyang itanggi sa lahat na siya ay isang Komunista,
Gayunman kung sa pang-loob ay ito ang daladala niyang espiritu,
Ang tradisyon, ang pagtawag, na maging isang Komunista—
Siya ay isa sa pangloob niya.
Ay isang tao ay hindi maaring basta makilala
Sa pamamagitan ng salita at papuri ng tao,
Kundi sa pamamagitan ng kung ano ang nakikita sa puso.
Bilang isang tao na nag-iisip mula sa puso niya,
Kung ganoon ay isa siya!
Ilarawan mo ang iyong sarili sa harap ng trono ng Diyos na walang pagdadahilan, walang pagpapaliwanag, ang iyong matwid na katungggali, ay binabasa ang talaan ng mga sakdal, na may oras, lugar, ang bawat kahiya-kahiyang detalye. Gumagawa siya ng mga paratang ng pagmamataas, kawalan ng pananalangin, pag-iimbot, walang katapatan, at dinuro ka ng puso mo sapagkat kailangan mong aminin, “Oo, ako yan. Ginawa ko ang lahat ng iyan.”
Mukhang wala ng pag-asa para sa iyo. Alam mo na ang mata ng Diyos ay lubos na banal para tingnan ang kasalanan, ang Kanyang katuwiran ay humihingi na kailangang pagbayaran mo ang iyong mga kasalanan laban sa Kanyang kabanalan. Wala ka nang magawa.
Ngunit biglang dumating ang iyong Manananggol, ang iyong Tagapagsangggalang. Iniunat niya ang Kanyang mga kamay at alam mong mayroong mangyayari. Ngumiti siya at bumulong, “Huwag kang matakot; walang anuman sa mga sakdal na ito ay maninindigan. Makalalabas ka sa hukumang ito na pinawalang sala. Kapag ako ay tapos na, ang nagsakdal sa iyo ay wala kahit isang matitirang paratang laban sa iyo!”
At higit sa lahat, sasabihin sa iyo ng Manananggol mo na ikaw ay inampon Niya bilang kapatid. At pagkatapos ay sasabihin Niya sa iyo na Siya ay Anak ng Hukom kaya ngayon ikaw ay kabilang narin sa pamilya ng Hukom!
Ngunit nandoon pa rin ang usapin tungkol sa katuwiran. Ngunit ano ang nangyari tungkol sa mga paratang sa iyo? Nakikinig kang may pagkamangha habang ipinaglalaban ng iyong Tagapagsanggalang ang iyong kaso:
“Kagalang-galang na Hukom, alam Mo na ginampanan ko ang batas, namuhay na walang kasalanan. At aking inangkin ang kalagayan ng taong ito, inako ang lahat ng parusa para sa kanyang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng mga sugatang kamay na ito at nasa aking tagilirang sinaksak, lumabas ang dugo para hugasan ang lahat ng kanyang mga kasalanan. Ang lahat ng paratang na ito ay aking inako at pinagbayaran Ko ng pagdurusa ang bawat isa nito!”
Tumingin ang iyong Tagapagsanggalang sa nagparatang sa iyo at sinabing, “Satanas, wala kang dahilan para paratangan ang Aking anak. Ang bawat isang kasalanan niya ay inako Ko at pinatawad ko ng ganap ang lahat ng iyon. Wala siyang pagkakasala sapagkat ang kanyang pananampalataya sa Aking mga sakripisyo ay binigyan siya ng lubos na kapatawaran. Wala kang maaring iparatang!”
At habang ang diyablo ay lumabas sa hukuman ng Diyos., maririnig mo ang Diyos na dumadaing: “Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalng-sala sa kanila?” (Roma 8:33).
Sinabi ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ng kapahingahan” (Mateo 11:28-29).
Kung wala ka nitong kahanga-hangang pagtitiwala sa kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na ginawa ni Jesus para sa iyo, ang Kanyang pamatok ay hindi magiging madali o magaan. At sa halip, gugugulin mo ang panahon sa pansariling pamamaraan para malugod ang Diyos. Magsisimula ka mula sa mainit papunta sa pagiging malamig, mamumuhay na may hindi kailangang pagkakasala at kahihiyan.
Nainiwala ako na ang susi sa talatang ito sa salitang “sundin ninyo ang itinuturo ko.” Si Jesus ay nagpapahayag dito ng pagdisiplina ng aralin kung sino Siya at kung ano ang napagtagumpayan Niya sa krus. Sinasabi niya, “Kailangang may kaalaman ka kung ano ang nagawa ko para sa iyo. Pagkatapos, kapag ang kaluluwa mo ay may kapahingahan na, maari mo nang pasanin ang Kanyang pamatok. Kaya, sundin ninyo ang itinuturo ko!”
Ayaw natin ng ganitong pagdidisiplina. Gusto natin ay yaong madaling magawa! Katulad natin ay mga batang mag-aaral na nasa palaruan na ayaw nang bumalik sa silid paaralan.
Marahil ngayon ay sinasabi mo, “Binabasa ko ang aking Bibliya ngayon at nananalangin kahit kaunti araw-araw. Pinipilit kong gawin pa ito ng mas mabuti!” Ang lahat ng ito ay mabuti, ngunit sinisiguro ko sa iyo na ang mga bagay na ito ay hindi ka kayang pangalagaan sa mga darating na bagyo sa buhay mo. Hindi sapat ang magsikap, ang mangako sa Diyos, ang magsumikap na maging mas mabuti. O hindi sapat na sabihing, “Higit na mas masipag ako kaysa dati.” Hindi, ang lahat ng ito ay tungkol sa paghahanap sa pahayag na kung ano ginawa ni Jesus para sa iyo sa krus!
Mayroong dapat idaing nating lahat: “O Jesus, sinabi ng Salita Mo na maari akong mamuhay na may ganap na kapahingahan, kapayapaan at katiwasayan. Hindi ko na kailangang magpakahirap pa o ipaghampasan ng pagsisisi o takot. inilagay mo sa harapan ko ang pangako ng buhay na may kapahingahan, ngunit wala ako ng kapahingahang iyan. Panginoon, nais ko ng iyong kapahingahan na kasama ang lahat na nasa akin. Turuan mo ako sa pamamagitan ng iyong Espiritu—nais kong matutunan ang itinuturo mo sa akin tungkol sa iyo.”
Nangako ang Diyos sa Kanyang mga tao ng maluwalhating kapahingahan, isang kapahingahan na may kasamang kapayapaan at seguridad ng kaluluwa. Inialok ng Panginoon ang kahanga-hangang kapahingahang ito sa anak ng Israel, nangangahulugan na buhay na puno ng kagalakan at tagumpay, na walang takot, kasalanan o pagkondena. Hanggang sa panahon ni Cristo, walang salinlahi ng mga mananampalataya ang lubos na lumakad sa pinagpalang pangakong ito. Bakit ganoon? Maliwanag na inihayag ng Bibliya na ito ay dahilan sa kawalan ng pananalig. “Maliwanag kung ganoon kaya’t hindi sila nakapasok sa lupaing pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos” Hebreo 3:19).
Dahilan sa kanilang kawalan ng pananalig, ang mga tao ng Diyos—habang nasa panahon ng mga hari at propeta sa buong salinlahi ni David—ay dumanas ng buhay na puno ng paghihirap, pagdududa, takot at pagkabalisa. Sa bawat salinlahi ang iba ay ipinangako ngunit ito ay tinanggihan—hindi kailanman ibinukod-tangi at hindi kailanman naunawaan.
Iyan ang dahilan, kapag binasa natin ang Hebreo 4, natagpuan natin ang maluwalhating buhay ng pananampalataya ay hindi pa nakukuha: “…mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos” (t9). Gayunman nabasa din natin: “Ngunit may mga inanyayahan pa ring magpahinga sa piling ng Diyos” (t6). Pinagsabihan din ng Bibliya ang mga kasalukuyang mananampalataya na may kasamang babala: “Kaya nga habang nananatili ang pangako ng Diyos, na tayo’y makakapasok at makakapagpahinga sa piling niya, mag-ingat kayo at baka mayroon sa inyong hindi makatanggap ng pangakong ito” (t1).
Libu-libong mga mananampalataya ay inaangkin na puspos ng Espiritu ng Diyos, gayunman kaunti lamang ang nakapasok sa ipinangakong kapahingahan. Marami ay pinahampasan ng hangin at alon ng mga doktrina, pagkabalisa at puno ng kasalanan, na walang kaseguruhan mula kay Cristo. Sinabi ni Jesus, “Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinigay ko sa inyo” (Mateo 11:28-30).
Ang aking dalangin ay nawa’y makapasok kayo sa kapahingahan na ipinagkaloob ng Diyos para sa iyo. Hangarin sa pamamagitan ng pananampalataya at tanggapin sapagkat ito ay malaya Niyang handog!
Inihayag sa atin ng Genesis na habang lalong dumarami ang tao sa buong daigdig, ay lalo silang nagiging marahas.
“Maliban kay Noe, masasama ang lahat ng tao sa paningin ng Diyos at laganap ang karahasan sa lahat ng dako. Ito ang kalagayang nakita ng Diyos sa buong daigdig; namumuhay sa kasamaan ang lahat ng tao” (Genesis 6:11-12).
Mayroong iba pang uri ng karahasan na nagaganap sa mga huling araw na ito. Sa katunayan, nakikita ko ang makadiyos na tao na may dumadaluhong na pananampalataya na iniaangat. Ang mga natitirang mga banal ay puspos ni Jesus, iniibig Siya ng buong puso. Ang mga mananamapalatayang ito ay nakikita ang nagngangalit na diyablo na palusob sa kanila na dala ang buong kapangyarihan at alam nila na may higit pa silang impiyernong haharapin nang higit pa sa mga nakaraang salinlahi.
Sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12). Ang natitirang ito ay aangat at sasabihing, “Hindi ko hahayaan ang diyablo na nakawin ang aking kagalakan at kapayapaan. Hindi ko siya hahayaang makapagtanim ng binhi ng sama ng loob, pagpatay, poot o karahasan sa akin. Hindi! Ako ay maninindigan sa kapangyarihan ni Jesus at mabubuhay na tagumpay laban sa kasukalan ng diyablo.”
Mga minamahal, nais ng Diyos na bigyan kayo ng laban! Kung kayo ay nagkasala ng anumang uri ng karahasan, mabilisang magsisi sa harapan ng Panginoon at sumunod sa Kanyang mga Salita. Iyan lamang ang hinihingi Niya. Naway lagyan kayo ng banal na pagsisikap at pananampalataya na higit pa sa anumang alam ninyo na. Nais Niyang kayo ay manindigan laban sa mga makasalanang pamamaraan ni Satanas.
Ang tanging marahas na espiritu na magkakaroon tayo ay ang magkaroon ng marahas na pananampalataya. Ito ay ang makapngayarihan, banal na karahasan na darating ng may buong lakas laban sa pintuan ng impiyerno at kapangyarihan ng kalaban. At, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ibabagsak natin silang lahat sa pangalan ni Jesus!
“Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi magmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila” (Panaghoy 3:22-23).
Tayong lahat ay mapaparam
Dahilan sa ating mga kasalanan,
Kung hindi dahil sa kahabagan ng Diyos.
Ito ay laging sariwa bawat umaga.
Ang Diyos ay mahabagin at nagmamaliw,
Matagal bago magalit,
At ang katapatan ay napakadakila.
Malambot ang puso doon sa mga nagsisisi,
Hindi nagtatago ng Kanyang poot
Sapagkat Siya’y nagmamaliw sa kahabagan,
Nagpapatawad ng mga kasalanan.
Hindi siya natutuwa sa kamatayan ng mga makasalanan,
Ngunit naghahain ng kapatawaran sa sanlibutan
Sa bawat mananalangsang;
Ngunit hayaang ang mga tumanggap ng kahabagan
Ay maging mahabagin.
Mapalad ang mga mahabagin:
Sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
DISCLAIMER
Our policy is that all gifts designated for a specific project be applied to that project. Occasionally we receive more funds than can be wisely used for the designated project. When that happens, we use those funds to meet other similar pressing needs in the same country to advance the gospel.
