Select a Language |
View All Languages |
| Title | Date |
|---|---|
|
ISANG MAHALAGANG MENSAHE ISANG KALAMIDAD NA GIGIMBAL SA BUONG SANLIBUTAN AY MALAPIT NG MANGYARI |
3.7.09 |
|
Ako ay pinilit ng Espiritu Santo na ipadala ang mahalagang mensaheng ito sa lahat ng nakatala sa aming talaan ng liham, at sa mga kaibigan at sa mga obispo na nakilala namin sa lahat ng dako ng sanlibutan. ISANG KALAMIDAD NA GIGIMBAL SA BUONG SANLIBUTAN AY MALAPIT NG MANGYARI. ITO AY NAKASISINDAK, NA TAYONG LAHAT AY MANGINGINIG SA TAKOT---MAGING ANG MGA MAS HIGIT NA MAKA-DIYOS SA ATING LAHAT. |
|
| Buong-Panahong Ministerio | 9.30.02 |
|
Sa maaga pang mga taon ng simbahan, isang malaking paguusig ang nangyari. Sa kapanahunang yaon, si apostol Juan ay nabilango at dinala sa Roma. Ang tagapangulong Romano sa panahong yaon (maaring si Nero o kaya ay si Diocletian) ang nagpatapon kay Juan sa isla ng Patmos. Ang islang ito ay isang maliit, liblib, walang naninirahan kundi ilang mga bilangong itinapon doon para tapusin ang nalalabi pa nilang mga araw para mabuhay. Katulad nila, si Juan ay ipidala sa Patmos upang mamatay. Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
| Ang Katawan Ni Cristo | 7.29.02 |
|
Si apostol Pablo ay nagtuturo sa atin, "Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya" (1 Mga Taga Corinto 12:27). Pagkatapos nangusap pa siyang may pinatutungkulan, "Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami....Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan: Kayo nga ang katawan ni Cristo" (12:14,20,27). Ang sinasabi ni Pablo, "Tingnan ninyo ang sarili ninyong katawan. Mayroon kayong mga kamay, paa, mata, tainga. Hindi kayo nakahiwalay na utak, na hindi kakabit sa iba pang sangkap." Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
| Ang Mga Tore ay Bumagsak - Ngunit Nakaligtaan Natin ang Mensahe! | 10.8.01 |
|
Noong Martes, Sityembre 11, 2001, ang magkakambal na tore gusali ng World Trade Center sa lungsod ng New York ay bumagsak. Limang araw pagkatapos, habang pinaghahandaan ko ang mensaheng ito, dumungaw ako sa bintana ng aking silid aralan dito sa ika 30th palapag ng tinitirahan ko. Malaking ulap ng usok ay nagmumula pa sa nasunog na gusali. Ito ay umakyat mula sa mga basag-basag na semiento at pumaroon sa bandang ilog ng Hudson, dumaan sa ibabaw ng Statue of Liberty. Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
| Ibinaling Ang Kagandahang-loob Ng Diyos | 8.27.01 |
|
Sa kanyang sulat sa Iglesya, Si Judas ay nagbigay ng isang matinding babala. Sinulat niya, "Sa mga itinangi o pinaging-banal ng Diyos Ama, at iniingatang para kay Jesu-Cristo, at tinawag...napagwari kong kailangang sumulat ako sa inyo at himukin kayo na masikap ninyong ipaglaban ang pananampalatayang noong una pa'y ibinigay sa mga banal. Sapagkat may ilang taong nagsipasok ng lihim...taong masasama, na ibinaling sa kahalayan ang kagandahang-loob ng ating Diyos, at itinatatuwa ang ating iisang Panginoong Diyos, at ang ating Panginoong Jesus" (Judas 1-4). Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
| Ang Patuloy na Lumalagong Pananampalataya | 8.6.01 |
|
"Sinabi ng mga apostoles sa Panginoon, Dagdagan mo ang aming pananampalataya" (Lukas 17:5). Ang mga taong bumubuo ng may katapatan kay Kristo ay nagtatanong ng isang bagay na mahalaga sa kanilang Guro. Nais nilang higit na maunawaan ang kahulugan at gawi o kaparaanan ng pananampalataya. Sinasabi nila sa pahiwatig ay ganito, " Panginoon, anong klaseng pananampalataya ang ninanais mo sa amin? Bigyan mo kami ng kapahayagan kung anong pananampalataya ang nakalulugod sa inyo. Gusto naming makamit ang buong kahulugan ng pananampalataya." Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
| Sa Diyos ay Walang Impossible | 6.25.01 |
|
May alam akong isang tao na namumuhay sa patuloy na takot. Ang napakasamang pakiramdam ay nagumpisa sa kanya sa araw na lumakad siyang papalayo sa Panginoon. Ang taong ito ay dating ligtas and puno ng Espiritu ng Dios. Siya ay nagpatotoo sa kapangyarihan ng awa ng Dios sa buhay niya. At siya ay magaling ng patotoo para sa gospel. Nagpayo siya maraming tao sa simbahan, nagpapadama ng pagmamahal ni Cristo sa kanila. Nguni’t isang araw, mula sa kung saan, sabi niya, "Nakuha ko na. Ayaw ko na ng ganitong buhay." Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
| Hindi Ka Nararapat Mamatay sa Iyong Ilang | 6.4.01 |
|
Hindi pa katagalan, nagplano ako ng isang aklat na patungkol sa paghihirap ng mga santo ng Dios. Nais kong hikayatin ang mga Kristiano tungkol sa katapatan ng Panginoon sa mga tao niya sa gitna ng kanilang pagsubok. Mula noon, maraming mambabasa ang sumulat sa akin, nagpapatotoo kung paano ang Dios ay nagbigay sa kanila ng awa sa panahon ng kanilang paghihirap. Isang babae ang sumulat patungkol sa pagbabata ng pagsubok sa pangangatawan: Additional Languages![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
DISCLAIMER
Our policy is that all gifts designated for a specific project be applied to that project. Occasionally we receive more funds than can be wisely used for the designated project. When that happens, we use those funds to meet other similar pressing needs in the same country to advance the gospel.
Follow Us on Facebook






























